::maNy ThanKs
last night to my surprise tumawag si coocoo. medyo bwiset, kala nya ako ung prankster na tumatawag sa kanya kagabi na di sumasagot tapos pag sya nakakakuha ng call eh, humihinga lang daw. pramis mamatay man ako di ako un. tapos nung una nauwi pa din sa sumbatan, angilan hanggang sa nagsubside na din. nung una sabi ko sa kanya na di ko kaya na makipagpansinan sa kanya kasi mahirap naman talaga di ba. kaya lang ang sabi nya ako pa daw ang nagmamalaki. eventually naisip ko na siguro nga dapat matutunan ko maging civil sa kanya di ko naman sya pwedeng iwasan all the time.
lahat ng tao sa paligid ko binibigyan ako ng pag-asa. ansarap pakinggan ng mga sinasabi nila. pero ako din ang magsa-suffer pag pinakinggan ko. medyo okay na kami kagabi. sabi nya sana daw mabalik ung dati naming friendship bago pa kami naging mag-on. mahirap ata un pero sige subukan na lang natin kung kaya ko, para at least kung sa tingin man nya di ko naging mabuting gf kahit good friendship man lang maibigay ko sa kanya. sabi nya wag na daw akong magintay, ayaw na daw talaga nya. siguro tama ngang hanapin ko na lang kapalaran ko somewhere outside the philippines. sana makakita kagad ako ng work somewhere outside the philippines. kahapon umalis bestfriend ni auds, si charlene, pumunta na ng states. sabi ko sa text iba-bye na lang nya ko at kung sakaling kailangan ni charlene ng katulong, labandera o personal alalay oks lang sa kin. hehe pathetic talaga no?
ung mga sinulat ko kahapon alam ko mostly mga hindi magandang nagawa ni coocoo. just want to make things fair. sakaling binabasa mo to coocoo (asa pa ko alam ko namang malabo un) eto ung sagot sa lagi mong tinatanong sa kin, na kung ano mga bagay na maganda na ginawa mo. sorry kung late na ha.
nung pinapunta kita sa bahay para magdinner for the first time. di mo lang alam sobrang it means a lot to me. na kahit bumabagyo, baha sa nyo, may sakit ka at magagalit ang mommy mo tumuloy ka pa din. kahit na di naman masarap ung dinner na hinain ko sa yo, magulo ko magexplain ng directions (kaya ata walang direksyon buhay ko eh) napagastos ka ng sobrang mahal para sa taxi, naglakad ka dahil mali binabaan mo --- tumuloy ka pa din.
nung nagparty sa org room mga jcba officers dahil birthday ni alfa, di ka sumama. you chose to have quality time with me.
hindi ka na lagi makapagbilyar nun dhil sa kin, kasi lagi akong nakabuntot sa yo. pathetic ko talaga. siguro hiyang hiya ka na nun dhil feeling mo sinasabi mga tao ng bantay sarado ka ng gf mo, pero walang anuman sa yo un. hindi mo ko tinataboy pag sumasama ko at di ka nahihiya.
nung nagpunta kami sa batangas para gumawa ng feasib. di ka sumama kasi ayaw ko dahil ayoko pa malaman ng mga tao na tayo na. pero ilang beses ka naglong distance para lang makausap ako at matanong kung kamusta na ako at maayos ba lagay namin, kung safe ba kami at may progress na ung ginagawa namin.
nung bago naging tayo at bago ka nagtapat, nung retreat nyo ng mga officers, talagang pinilit mo kuya louie mo na bilhan ka ng telepono dahil sabi mo di mo kaya 3 araw na di mo ko makakausap. sobrang it means a lot to me. na ngayon alam ko kahit ata ilang buwan tayo di mag-usap okay na lang sa yo.
nung bumalik ka the first time (jan 2001) kahit alam ko na sakal na sakal ka sa kin. pero bumalik ka pa din. khit na nagiging butt of jokes na tayo ng mga fellow officers mo. bumalik ka pa din.
ung maganda mong pakikitungo sa mga kaanak ko. kahit na dati medyo di ka at ease sa mommy ko pinakita mo sa kin na kaya mo pakisamahan mommy ko at eventually nga mas mahal ka na ng nanay ko kesa sa kin.
nung nagswimming kayo sa antipolo at tumawag ka para lang sabihin na naayos mo na ung issue kay alfa, na sabi nya gusto nya kong imbitahin sa birthday nya, pero hindi nagpaka childish ako at inaway kita hanggang sa magbreak down ka sa harap ng mga kaibigan mo. hindi ko sinasagot mga tawag mo, at dumating sa point na gusto mo na bumaba ng antipolo at pumunta sa bhay ng mommy para amuin lang ako.
nung the very next day pumunta ka sa bhay ng mommy at kahit sobrang aga pa ata nung umalis ka sa antipolo naghanap ka ng kahit anong mabibili para lang ibigay sa kin. oo naaalala ko pa na binigyan mo ko ng suman nun. =)
nung halos matanggal ka sa trabaho dahil din sa kin. dahil kinukulit kita kung kelan nila ko tatawagan, at dahil wala akong work nun ang alam ko lang gawin eh bulabugin ka maya't maya. at dahil nga nag-away tayo ng sobrang tagal dahil sa kakulitan ko at sa sobrang pagka childish ko, sobrang napagalitan ka ng supervisor mo to the point na kinausap ka pa ng director. sobrang ngayon ko lang naiisip na sobrang dami mo ginawa para sa kin coocoo. alam ko wala ng magagawa tong pagsasabi ko sa yo nitong mga bagay na to pero gusto ko pa ding malaman mo.
nung college tayo at pumunta ka sa first contest ko sa toastmaster, kahit na ilang na ilang ka pala sa mga tao dun. kahit na after nung contest naging photographer ka lang. pero u stayed and u even helped me with my piece. thursday ata un. tapos nung monday of that week sinamahan mo pa ko sa may malapit sa masagana para lang silipin kung sino ung makakalaban ko at kung ano type of speeches na meron sa category na sinalihan ko.
nung sinundo mo ko sa terminal nung galing kami batangas for the feasib. na sobrang laki at sobrang bigat ng bag ko na parang isang taon na kong maglalayas sa min sa laki. sinundo mo ko kahit alam ko madami kang ginagawa dahil nga sa posisyon mo sa jcba. tapos hinatid mo ko sa bahay at tapos nung araw din na un pumunta tayo sa bulacan kina kuya chucut and ate lala para mapakilala mo ko sa knila. gabi na tayo nakauwi nun dahil mahaba ung byahe at nagpupuno pa ung mga van. kahit pwde ka na bumaba sa r.papa hinatid mo pa din ako di ba. kahit na pang umaga tayo pareho, at alam mo na dahil late ka na makakauwi, tyak na late ka na din magigising.
nung pumunta tayo sa corregidor. it was so much fun travelling with you and going exploring new places with you. kahit na tayo lang dalawa umalis nakita ko masaya ka din. alam ko gusto mo pag mga ganung trip marami tayo kasama para mas masaya, pero nakita ko na kahit tayo dalawa lang nag enjoy ka pa din. khit na kailangan nating gumising ng sobrang aga para lang dun at kahit na clueless ako san ung terminal ng ferryboat di ka pa din nainis at nasira araw natin pareho, which is most likely the case kung nabaliktad ung sitwasyon.
nung hinahatid mo ko sa rcbc tower kahit na sobrang gabi na at kahit na alam ko na di ka ganun ka kumportable sa mga kasama ko dun.
nung tinulungan mo ko mapasok sa parlance dahil kakilala ng ate mo ung hr head. dahil gusto mo makasama mo ko at gusto mo magkawork ako. at nung nandun na tayo u were so proud of me, kahit nga sila guiennie at tina sinasabi na pinagmamalaki mo ko. tapos dahil ung isa mong ka batch mate reminds me so much of alfa sabi ko sa yo layuan mo sya. at ginawa mo naman. tapos kinaibigan mo lahat ng teammates ko pero di ko naman nirereciprocate ung efforts mo.
nung sinamahan mo ko bisitahin si jayjay kahit na alam ko di mo masyado trip ung mga hayop. pero sinamahan mo pa din ako at napagastos ka pa nga.
nung unang birthday ko na kaw ang boyfriend ko, kinapalan mo muka mo na manghingi sa mommy mo ng pera para lang maibili mo ko ng gift.
nung nawalan ako ng work dahil lang sa pag absent ko at sa pagpunta ko sa contest ko sa toastmasters, di mo ko ni-nag which would be the exact scenario kung sakaling baliktad ung sitwasyon.
nung di ka nagpunta sa puerto galera dhil ayoko kahit na P500 lang ang kailangan mong daling pera dahil gagastusin ng mga officers ung kinita sa grad ball. pero di ka sumama dahil ayaw ko.
nung sinabi ko na ayoko na kausapin mo mga kaibigan mo, dahil destructive sila sa ting 2. ginawa mo at di ka na nga sumasagot sa mga txt nila. kung meron ka mang sinasagot eh ung mga tao lang nga gusto kong kausapin mo. grabe no para akong si hitler.
nung nasa parlance tayo at nagaway tayo ng grabe, pagdating ko sa nyo after ng shift ko sinurprise mo ko. nagluto ka ng breakfast for me. sobrang memorable sa kin un.
nung nasa parlance din tayo at nagaya team ko ng videoke, sumama ka kahit na alam ko na di ka mage-enjoy sa ganung klase ng lakad. kahit alam ko na di un ang mga trip mo.
nung wala ka pang tulog dahil graveyard shift ka pero after nun tumuloy ka pa sa vista verde para lang tumulong mag-ayos ng mga gamit nila carmi at sumama maghatid sa kanila sa airport. alam ko 36 hours kang gising non, pero walang kaso sa yo un, okay lang basta lang kasama mo ko.
nung college tayo ikaw gumawa ng business plan ko di ba. na kahit alam kong tapos ka na sa business plan mo nagpuyat ka pa din para tapusin ung sa kin at ako natulog na. sorry ha selfish talaga ko.
nung binigyan mo ko ng jacket na maong kasi alam mo matagal ko ng gusto un. anghirap ng ginawa mo nun kasi kaw lang bumili at kailangan mong tantyahin ung size ko.
nung binili mo ko ng clay mud. kahit alam ko na marami kang pagkakagastusan. pati ung time na binili mo ko ng sandals kasi gustong gusto ko ung fit sa kin nung sandals pero ung pera ko may pinaglalaanan na. sobrang gusto mong wag kong i-deprive ung sarili ko kaw ung bumili.
nung binigay mo sa kin ung rubbershoes na mickey mouse na galing sa ate mo na hinihingi din ng kaibigan mo na si hyden. pero sa kin mo binigay.
nung kinaibigan mo ung team ko, pati nga tl ko di ba kasundo mo. pati ung mga training teammates ko - jeffies, pinakibagayan mo. pero ako mayron lang akong ka-training teammate mo na kaibigan mo na sobrang naaartehan ako galit na ko sa yo dahil kaibigan mo sya at hiningi ko din sa yong wag mo syang samahan.
nung tinuruan mo kong gumawa ng email address hehe sensya ka na jurassic ako eh. na kahit ata hiyang hiya ka na at sobrang jurassic ng gf mo eh pinagtyagaan mo pa din ako at kahit na sa lahat ata ng bagay eh mahirap ako turuan. oo di ba naubos nga powers mo sa kin pagdating sa pag22ro ng bilyar.
nung nsa icite tayo at naghihintay tayo ng shuttle, un ung nalipat ka na ng training team at kami naman tapos na sa foundation trng, sinurprise mo ko dahil binigyan mo ko ng necklace na panggimik.
nung pinupuntahan mo ko sa philamlife tower nung nasa ps pa ko at nag-aaral ka pa sa niit. kahit na alam kong naaalangan ka kasi naka casuals ka lang pumupunta ka pa din.
yung mga panahong lagi mo kong iniintay dahil late ako (kelan ba ko maaga?), start pa nga lang natin pinagintay na kita ng mtgal eh. remember nung birthday ni rhia aug 2, 2000 second day pa lang natin un, at mahigit 2 oras ata kita pinagintay sa wendys. tapos madaling araw na natapos at hinatid mo pa din ako kahit na andun na lang ung bahay mo. at maraming marami pang time na late ako pero di ka nagagalit. pero pag ako 5 mins ka lang late nakasimangot na ko.
yung mga time na kahit pagod na pagod ka na sa work (navitaire days) eh pumupunta ka pa din sa min dahil gusto ko magsleep over ka sa min.
yung mga time na di ka naggive up sa kin, kahit na linggo linggo na lang nagaaway tayo 2. at kahit na lagi kang humahagulgol para lang mapaintindi mo sa kin ung point mo at dun lang kita aaamuin.
yung mga time na aalis ka pero pinagpapaalam mo pa sa kin. salamat sa respeto. pero ako sobrang short noticed ung mga paalam ko sa yo to the point na meron ka na palang planong lakad for us pero meron na kong ibang balak.
thanks for everything coocoo. sa lahat ng mga tinuro mo sa kin. may be God is humbling me down at kaya gusto nya makita ko lahat ng ginawa mo para sa kin. marami ka pang mga magandang ginawa na ngayon ko lang nare-realize kasi nun puro sarili ko lang iniintindi ko. kaya ngayon gusto siguro ni God na malaman ko na pag pinagpatuloy ko ung pagiging selfish lahat ng taong mahal ko mawawala sa kin. eto ngat tinaggal na nya sa kin ung pinaka importanteng tao sa kin. siguro gusto din ni god na malaman ko na di na sya ung focus ko, umikot kay coocoo ung mundo ko.
coocoo, thanks for loving me then despite the fact that i've been totally unloveable. sorry talaga sa lahat ng mga ginawa ko, sa pagtapak ko sa pagkalalaki mo, sa pagpilit kong baguhin ang pagkatao mo. sana matutunan mong patawarin un at sana nga maging magkaibigan pa tayo. ingat ka na lang.

